Naku, nakakainis----ba't ako rin di ko alam yun? Buti pa si Hello Kitty may BF... Sayang, kala ko tataas pa ang "high" ko last Saturday habang nanonood kay Ms. Chin sa 1 vs. 100, pero as the old adage goes "all is well, that ends well" nang sa wakas ay natapos rin ang kung ilang minuto ng kakulitan ni Corazon on a Saturday show and timeslot.
Ang isa pang nakakatawa ay ang isang buong araw ng adventure ko ng pakikibaka para sa karapatang makapanood ng tv. Pasaway kasi si Mommy, nanonood siya ng "Kakasa ka ba sa Grade 5?" at nagagalit sa akin kapag nililipat ko sa "Volta"---pano kasi baka mag-umpisa ang 1 vs. 100 na isang linggo ko ring inantay at inisip sa bawat gabi. Waaaaaaahhahaa----adik talaga.
Syempre, I should not forget to mention that that Saturday, Birthday din ni Mommy. So you could just imagine how hard I had to negotiate for a "lunch out" instead of a "dinner out".
Well, while watching "Rhodora" survive the "Ten Picks", si Mommy na bandang huli ay napilitan manood ng gusto kong panoorin ay wala nang tigil sa kakatawa sa mga pinaggagagawa at pinagsasasabi ni Ms. Chin Chin Gutierrez at Edu Manzano. To think, halos tulugan ni Mommy ang umpisa dahil ayaw talagang manood---aba't uubra ba siya sa akin? Waaaaaahhhahahahaaaaa---evil laugh .
Yun lang, share ko lang po. BTW, alam na rin ni Mommy ang pangalan ng tatay ni John Lloyd as mentioned sa tula ni Ria. Hahhaaaaaaa----imagine that. Na-high nga si Mommy e, up until Sunday natatawa pa rin siya.
P.S.: Sabi ko na nga ba muntik na rin siya sa DDR e... hehe, nakakatuwa rin ang mob in that episode. Ang gulo nila, .